IDNStudy.com, ang iyong mapagkakatiwalaang mapagkukunan para sa eksaktong at maaasahang mga sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng agarang tugon mula sa aming dedikadong komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
Answer:
Kasingkahulugan ng salitang pag-iisang dibdib
- pagpapakasal
- pagsasama ng isang lalaki at babae sa bisa ng kasal
Ang sakramento ng kasal ay ang kasunduan ng pag-iisang dibdib ng isang lalaki at babae ayon sa batas upang bumuo ng di mapaghihiwalay na buhay at isang maayos at buong pamilya. Ang pag-aasawa ay pagsasama ng dalawang magkaiba at di-perpektong tao. Ang ugnayan ng pamilya ay nagsisimula sa pagmamahalan ng mag-asawa. Kaya napakahalaga nab ago pumasok sa pag-aasawa at bago bumuo ng pamilya, kailangan munang mangako ng pagmamahalan ng dalawang nag-iibigan sa harap ng Diyos.
Kahalagahan ng pag-iisang dibdib o kasal
- Ang buhay may-asawa at pamilya ay nangangailangan ng gabay ng pananampalataya sa pamamagitan ng pag-iisang dibdib sa simbahan.
- Ito ang nagbubuklod sa mag-asawa, sa dalawang taong nagmamahalan.
- Inaasahan ng ating Panginoon na mamumuhay tayo ayon sa kanyang katotohanan. Kaya’t ang kasal ay inorden ng Diyos. Ito ay batay sa doktrina at mahalaga sa kawalang-hanggan.
- Ito ang nagbibigay legal sa pasasama ng lalaki at babae at dahil ang pamilya ay ang pangunahing institusyon sa lipunan na nabuo sa pamamagitan ng pagpapakasal ng isang lalake at babae.
- Masasabing may seguridad ang inyong pamilya sapagkat ang mag-asawa ay kasal at ito ay legal na pag-iisang dibdib.
- Tumitibay ang pagsasama sa paggugol ng oras nang magkasama. Ang pagsasama ay napangangalagaan ng isang tapat na pangakong gawin itong matagumpay at magsasama ng maayos at matiwasay habang buhay.
Para sa karagdagan pang kaalaman, magtungo sa link na:
Kahalagahan ng kasal sa mag-asawa: brainly.ph/question/1499940
#LearnWithBrainly
Salamat sa iyong presensya. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbabahagi ng iyong nalalaman. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay na samahan. Ang IDNStudy.com ay nangako na sasagutin ang lahat ng iyong mga tanong. Salamat at bisitahin kami palagi.