Unang-una ay magsimula sa tahanan. Kung ano ang makaugalian na gawin sa loob ng bahay ay madadala kahit saan. Ang pagtatapos ng basura sa wastong tapunan, ang paggamit ng mga lalagyang maaring i-recyle, at pagsesegrate ng mga basurang nabubulok at hindi nabubulok ay ilan lamang sa mga pagpapakita ng pagmamahal sa kapaligiran.
Pangalawa ay ang pagsunod sa mga batas na may kaugnayan sa pangangalaga ng kapaligiran, at pagtatanim ng mga halaman at puno.
Kung ang mga ito ay maipapamuhay natin, magiging mabuting impluwensiya ito sa ibang tao na lagi nating makakasalamuha sa araw-araw. Kung sama-sama nating maipapamuhay ang pangangalaga ng kapaligiran, maipapakita natin ang pagmamahal sa mundo at sa mga susunod na henerasyon na makikinabang sa anumang inumpisahan natin.