IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa mabilis at eksaktong mga sagot. Sumali sa aming komunidad ng mga bihasa upang makahanap ng mga sagot na kailangan mo sa anumang paksa o problema.

ano ang anaporik at kataporik na pangngalan

Sagot :

Ang kataporik o katapora ay ang panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananda sa pinalitang pangalan sa hulihan samantalang ang anaporik o anapora ay ang panghalip na ginagamit sa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangalan sa unahan. Ginagamit ang katapora at anapora upang hindi na paulit-ulit na banggitin ng nagsasalita o ng manunulat ang isang pangngalan. Layunin ng katapora at anapora na maiwasan ang nakakasawang pagbanggit ng tinutukoy na pangngalan sa isang talata. Samakatuwid, ang anapora at katapora ay pawang mga panghalip na sumusunod o sinusundan ang pangngalang tinutukoy sa magkaibang paraan at puwesto. Sa ordinaryo nating pakikipagpanayam, nagagamit natin ang anapora at katapora nang hindi sinasadya.

Halimbawa ng pangungusap na may katapora ay “ Ito ang aking payong.”  at ang halimbawa naman ng pangungusap na may anapora ay “ Ang payong ko ay pula. Ito ang lagi kong ginagamit araw-araw.” Paano nga ba nagiging katapora at anapora ang mga panghalip dito?  

PALIWANAG: " Ito ang aking payong".

Ang panghalip natin ay ito. ang ito ay tumutukoy sa payong. dahil nauuna ang panghalip na ito sa pangngalan na payong, ito ay isang katapora.

“ Ang payong ko ay pula. Ito ang lagi kong ginagamit araw-araw.”

Ang panghalip ay ito na tumutukoy sa payong. Sa pahayag na ito, ang panghalip na tumutukoy sa payong ay nasa hulihan, kaya ito ay isang anapora.

IBA PANG HALIMBAWA NG ANAPORA AT KATAPORA

  1. Si Gil ang aking minamahal. Siya lamang ang aking mamahalin habambuhay.

Ang paghalip na siya ay tumutukoy kay Gil. Ang salitang Gil ay nasa unahan samantalang ang panghalip na tumutukoy sa kanya ay nasa hulihan. Ito ay halimbawa ng anapora.

    2. Dito na kami lumaki at nagkamulat sa bayan ng San Agustin.

Ang panghalip ay dito na tumutukoy sa San Agustin. Dahil nauuna ang panghalip sa tinutukoy na pangngalan, ibig sabihin ito ay katapora.  

Upang mapadali ang pagtukoy sa anapora at katapora, tandaan lamang ang mga sumusunod.

  • Ang anapora at katapora ay mga panghalip (alam na natin kung ano ang panghalip)
  • Ang katapora ay nasa unahan ng tinutukoy
  • Ang anapora ay nasa hulihan ng tinutukoy

Para sa karagdagang kaalaman, tingnan ang:

https://brainly.ph/question/502810

https://brainly.ph/question/249927