Sumali sa IDNStudy.com at tuklasin ang komunidad ng mga taong handang tumulong. Ang aming platform ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.
Sagot :
Answer: gawin mo ko brainliest essay to eh
Si Ferdinand E. Marcos ang pinakamatagal na nanungkulan sa bansa bilang Pangulo. Mahigit sa dalawampung taon ang kaniyang pamamahala. Siya ay naniniwala na ang “Pilipinas ay magiging dakilang muli”. Marami siyang ipinatupad na mga programa upang masolusyunan ang mga suliranin sa kabuhayan at pulitika. Binigyan niya ng pansin ang programang pang-imprastraktura. Nagpatayo ng mga tulay, kalsada at paaralan. Inilunsad ang “Luntiang Rebulosyon” o Green Revolution upang maibsan ang kakulangan sa pagkain. Gumamit ng modernong paraan ng irigasyon at pagsasaka dulot nito lumaki ang produksiyon ng palay at mais. Itinatag ang Cultural Center of the Philippines o CCP upang lalong mapayaman ang kulturang Pilipino. Nagpairal ng Batas Militar sa bansa upang iligtas ang bansa laban sa karahasan. Ngunit ang pagpapatupad nito ay nakapagdulot ng takot sa iilan nating mga kababayan at mga paglabag sa mga karapatang pantao. Napalakas din sa panahon ni Marcos ang ugnayan sa mga bansa sa Asya. Pakikiisa sa pagtatag ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN upang isulong ang pagtutulungan sa kabuhayan, panlipunan at pangkultura ng mga bansa sa rehiyon.
Ilan sa mga patunay na may pag-unalad sa ekonomiya sa panahon ni Marcos ay ang mga sumusunod:
- Paglaki ng produksyon ng bigas at mais dahil sa paggamit ng modernong paraan sa pagsasaka.
- Pagluluwas ng bigas sa ibang bansa
- Pagpapatayo ng mga imprastraktura upang mapabilis ang transportasyon at komunikasyon sa bansa
Gayunpaman, hindi ito masasabing gintong panahon ni pangulong Marcos. Ang unang taon ng pangulong Marcos ay masagana noong 1973 at 1976 na may porsyentong 8.81% at 8.92% sa GDP ng Pilipinas, na nagsisilbing gintong panahon ng pangulong Marcos. Subalit lumagwak ang persyento ng GDP noong 1983-1985, ayon sa World Bank at OECD, ng 1.33% na naging -7.32% noong 1984, hanggang sa naging -7.037% noong 1985.
Konklusyon:
Ang imprastruktura ay hindi sumasalamin sa ekonomiya ng bansa.
Pinahahalagahan namin ang bawat ambag mo. Huwag kalimutang bumalik at magtanong ng mga bagong bagay. Ang iyong kaalaman ay napakahalaga sa ating komunidad. Gawin mong pangunahing mapagkukunan ang IDNStudy.com para sa maasahang mga sagot. Nandito kami para sa iyo.