IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa malinaw at maaasahang mga sagot. Tuklasin ang malalim na sagot sa iyong mga tanong mula sa aming komunidad ng mga bihasang propesyonal.
Sagot :
Pag-aaral Noon at Ngayon:
Ang pag-aaral noon ay para sa mga kalalakihan lamang samantalang ngayon ang pag-aaral ay para sa lahat.
Noong panahon ni Rizal o panahon ng pananakop ng mga kastila, ang edukasyon ay para lamang sa mga kalalakihan. Ang mga kababaihan ay nananatili lamang sa kanilang mga tahanan at hinihikayat na pumasok ng kumbento kapag sila ay ganap ng mga dalaga. Gayun din, kadalasan ang mga lalaking nakakapag-aral lamang ay iyong may mga kakayanan. Kaya naman ang mga mag-aaral noon ay tunay na ikinararangal ng kanilang mga magulang. Ang bawat asignatura noon ay kadalasang pinamamahalaan o itinuturo ng mga gurong pari. Mahalaga din na maturuan ang mga mag-aaral ng relihiyon at pananampalataya sa Diyos bilang pagpapalaganap ng Katolisismo.
Sa kasalukuyang panahon ang pag-aaral ay bukas para sa lahat. Bata o matanda, mahirap o mayaman, lalaki o babae. Sapagkat ang pag-aaral sa mga pampublikong paaralan ay libre, marami ang nagnanais na makapagtapos ng pag-aaral sa kabila ng kanilang edad. Ang mga guro ngayon ay yaong mga lisensyado at nakapagtapos ng kurso sa pagkaguro. Mayroon na ring ALS o Alternative Learning System na kumakalinga at nagtuturo sa mga mag-aaral na out of school youth at adults na nais balikan at tapusin ang kanilang pag-aaral.
Pinahahalagahan namin ang bawat ambag mo. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang ating mga layunin. Sa IDNStudy.com, kami ay nangako na magbigay ng pinakamahusay na mga sagot. Salamat at sa muling pagkikita.