Magtanong at makakuha ng mga sagot ng eksperto sa IDNStudy.com. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makakuha ng eksaktong tugon sa lahat ng iyong mahahalagang tanong.

Isa na rito ang Pilipinang bayani na si Gabriela Silang. Matapang siyang nakipaglaban sa mga Espanyol upang ipagtanggol ang kasarinlan ng bansa Siya ang kauna-unahang babaeng namuno ng rebolusyon sa Pilipinas. Sa pangungun niya'y buong tapang na sinalakay ng mga gerilya ang mga mapagsamantalang dayuhan sa Ilocos. At dahil dito'y lalong tumindi ang pagnanais ng mga Espanyol na patayin siya. Hindi ito ang nagpahina ng loob ni Gabriela bagkus ay lalo pang sumidhi ang kanyang katapangan Ngunit lingid sa kanilang kaalaman pinaghandaan sila ng mga kalaban. Nang sinugod milang muli ang mga kalaban, marami sa mga kasamahan niya ang nasawi. Ilang araw bago sila magapi ay nahuli siya kasama ang iba pa niyang kasamahan at sila ay agad na pinugutan ng ulo sa plasa ng Vigan, Ilocos Sur. Sa kasalukuyan isang samahan ng kababaihan ang ipinangalan sa kanya. Ang layunin ng GABRIELA ay upang ipaglaban ang karapatan ng mga kababaihan at ipakita ang kanilang kalakasan. Dumadami ang mga kababaihang nagtatagumpay sa iba't ibang larangang dati ratiy mga lalaki lamang ang sumusubok nabago ang tingin ng mga tao sa kababaihan. Pinatunayan nilang hindi totoo ang de-kahong pananaw ng nakararami na ang mga babae ay ang mas mahinang kasarian at silay pambahay lamang. Kitang-kita na ang kababaihan sa kasalukuyan ay kayang ipakita ang pinakamagaling nilang katangian, ang malakas nilang pagkatao.
II. Mula sa binasang sanaysay ay tukuyin ang mga salitang ginamit sa paglalarawan at ang ginamit na kaantasan ng pang-uri Salita Kaantasan ng Pang-uri .

salita. kaantasan Ng panguri



1.

2.

3.

4.


5.