IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng eksaktong sagot. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto.

Hikbi
ni Herlinda Dela Cruz
masalanta ang ating mga tahanan. Ngunit sino nga ba ang tunay na may kasalanan?
Sisihan, bangayan, turuan iyan ang makikita sa kasalukuyan matapos
Kami bang nasira at nawasak? o ang mga manggagamit na nawalan dahil sa
kanilang kalabisan at kapabayaan?
Pinakikinabangan sa kahit anomang paraan ang kalikasan. Pinuputol ang
katawan para gawing kagamitan sa trabaho, sa inyong tahanan o sa paaralan,
kinakaing, inuupod, pinapatag ang mga kabundukan, pinatatayuan ng gusali o ng
inyong tahanan. Binubungkal ang aming kalupaan maging sa kalaliman ng
karagatan. Ginagawang palamuti, pinanggagamot, pinagkakakitaan. Hindi lamang
kami makukunan ng pagkain, pampaganda, at ng iba ninyo pang kailangan bagkus
kami rin ang inyong hangin, proteksyon, at kalakasan. Ilang dekada nang
nagaganap ang walang humpay, walang katapusang pang-abuso sa kalikasan. Kayo
sa amin ay walang pakialam. Sinasayang at itinatapon, hindi man lamang naisip na
palitan o kami ay ingatan.
Hindi ba't hindi lamang kami ang napeperwisyo kundi maging kayo. Kabi-
kabilang pagbaha dahil sa pagkaubos ng punong dapat sumisipsip sa tubig kapag
umuulan. Pagguho ng lupa dahil wala nang puno't halamang ugat na yumayakap
sa lupa. Paglindol dahil sa pagmimina at pagbubungkal maging sa karagatan. Hindi
ba maging buhay ng ilang mahal ninyo ay nawala dahil na rin sa inyong kagagawan.
Totoong papaubos na kami dahil sa inyong pang-aabuso pero hindi lamang kami
ang apektado kundi maging kayo, nawawalan din at nahihirapan ngayon. Tunay na
kaylaki ng aming bahagi sa inyong buhay ngunit bakit ninyo kami ginaganito?
Kailangan ninyo kami at kailangan din namin kayo.
Hiling lamang namin, kami'y inyong ingatan, pahalagahan, at alagaan.
Palitan ang mga pinuputol na punong-kahoy. Huwag gumamit ng dinamita,
nakalalasong kemikal, huwag magtapon ng basura sa katubigan o kung saan-saan.
Tigilan ang pagpapatag sa kabundukan at pagmimina. Sa nakalipas na sakuna,
natuto na ba kayo? Sana oo, dahil paulit-ulit na lamang ang nangyayari. Marapat
tanggapin! tama, inyong tanggaping kami ay kabahagi at katulad ninyo. May buhay
at pangangailangan din sa mundong ito. Tigilan ang bangayan, sisihan, mga
paratang na walang batayan. Tanggapin ang sariling pagkakamali, ito ay
sulosyunan. Nawa ang hikbing ito ang siyang maging daan ng ating kasarinlan.

Pasagot Po pls Need ko Po thank you​

Hikbi Ni Herlinda Dela Cruzmasalanta Ang Ating Mga Tahanan Ngunit Sino Nga Ba Ang Tunay Na May KasalananSisihan Bangayan Turuan Iyan Ang Makikita Sa Kasalukuyan class=