IDNStudy.com, kung saan nagtatagpo ang mga tanong at sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng agarang tugon mula sa aming dedikadong komunidad ng mga eksperto.

A. Punan Ng mga Salita Ang patlang gamit ang mga salitang nasa ibaba upang makabuo Ng isang kaisipan tungkol sa aralin.

kakulangan kalikasan magtanim
pangalagaan kaligtasan kalinisan

Ang 1. _______________ ay isang biyayang galing sa ating Panginoon. Dito nanggagaling lahat ng bagay na ating ikinabubuhay.
Napagkukunan ng pagkain, tirahan, gamot at marami pang iba.
Marami ang mga magagandang tanawin na mapapakinabangan para umunlad ang turismo ng bansa.
Ang 2. _____________ ng kaalaman sa pagbibigay halaga sa kalikasan, pag-abuso, walang disiplina sa pagtatapon ng basura at maling paraan ng pangingisda ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng di inaasahang mga sakuna.
Taon-taon nakakaranas ng matinding pagbaha, pagguho ng lupa at pagbabago ng klima.
Nararapat lamang na pangalagaan ang mga likas na yaman sapagkat ito’y pinagkukunan ng mga pangangailangan at dito rin nakasalalay ang 3. _______________ ng bawat mamamayan. Simulan sa sariling bakuran at sa maliit na komunidad.
Kumilos habang puwede pang isalba ang biyayang bigay sa atin ng Panginoon.
4. ______________ ng mga puno upang mmabawasan ang pagbaha na nagiging sanhi ng kalbong kabundukan at para mabawasan ang init ng ating mundo o maiwasan ang “Global Warming”. Iwasan ang paggamit ng dinamita at pagtatapon ng basura sa mga yamang tubig upang makaiwas sa pagkamatay ng mga isda at iba pang yamang tubig. 5. _____________ ang kapaligiran dahil dito nanggagaling ang ating mga pangangailangan. Ang pagtulong ng bawat mamamayan at iba pang kawani at ahensya ng pamahalaan ay mas napapadali ang pagsagip sa Inang Kalikasan at maipagpapatuloy ng susunod na henerasyon ang pangangalaga at pagmamahal sa kalikasan.