Makahanap ng mabilis na mga solusyon sa iyong mga problema sa IDNStudy.com. Ang aming mga eksperto ay nagbibigay ng mabilis at eksaktong sagot upang tulungan kang maunawaan at malutas ang anumang problema.
Answer:
Kalayaa’y nakamtan ng ating bayan
Nang tayo’y nagkaisa at nagtulungan
Iisa ang hangarin sa pakikipaglaban
Kaya tayo’y nagtagumpay sa laban.
Lahat ng bagay ay may katapusan
Kaya pananakop nila’y nalampasan
Sa tulong na rin ng ating kababayan
Kaya dapat sila’y ating pasalamatan.
Sina Luna, Gregorio, at Bonifacio pati Silang, Rizal, at Aquino
Nagbuwis ng buhay para sa bayan
Silang lahat ay di dapat kalimutan
Dahil buhay nila’y ipununla sa bayan
Kaya’t kalayaan ingatan at mahalin
Upang ang bayang iniibig di na uli maangkin
At di mawalan ng saysay ang ipinaglaban sa atin
At sa pagkakaisa laging isisigaw ang salitang…
Malaya ka na Pilipinas!
(mula sa sulat ni Nickalou C. Orantes)