2. Hindi na mabilang ang mga kababayan nating nanguna sa larangan ng pag-awit, pagpipinta at pag-ukit. Hinahangaan ng mga dayuhan ang mga produkto nating gawang kamay na tulad ng blnurdahan at nililok. Tunay na ang mga Pilipino ay malikhain sa ibat ibang larangan. Paksangidiwa: Pamagat: C 3. Ang pamilyang Pilipino ay isang napakahalagang institusyon. Sa gitna ng maraming suliranin, dapat umiral ang pagmamahalan, pagkakaisa at pagtutulungan upang lalong tumibay ang pagsasamahan ng isa't isa. Ano mang problema ang dumating, kailangang mapanatiling buo at matatag ang pamilya. Bukod dito biyaya ng Diyos ang ating pamilya kayat patuloy mong ingatan. Paksang-diwa: Pamagat: 4. Isa sa mga katangiang maipagmamalaki nating mga Pilipino ay ang mabuti nating pagtanggap sa mga panauhin. Kapag ang isang pamilya ay may inaasahang panauhin, bawat isa ay abala sa paghahanda. Sila'y naglilinis at nag-aayos ng kabahayan. Nagluluto ang pamilya ng masarap na pagkain at naghahanda ng maraming prutas at inumin. Pinagkakaabalahan din nila kung ano ang maipauuwing pasalubong ng panauhin.