IDNStudy.com, ang iyong platform ng sanggunian para sa eksaktong mga sagot. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto na may kaalaman.
Sagot :
Answer:
1. Ang pang-angkop o ligatura (Ingles: ligature) ay ang mga kataga, na bahagi ng pananalita, na nag-uugnay sa panuring (modifier, katulad ng pang-uri at ng pang-abay) at salitang tinuturingan.
Mayroong tatlong pang-angkop: na, ng o -ng at g.
HALIMBAWA:
1. Ang itim na dyaket ni Maria ay maganda.
2. Ang berdeng sapatos ni Mae ay sinuot niya kanina.
3. Ang orasang bilog ay nasira.
2. Ang pangatnig o conjunction sa wikang Ingles ang tawag sa mga kataga o lipon ng mga salitang nag-uugnay sa dalawang salita, parirala, o sugnay upang mabuo ang diwa o kaisipan ng isang pahayag.
HALIMBAWA:
1. Magtanim ka ng puno upang di bumaha. (UPANG)
2. Magdala ka ng pala saka walis. (SAKA)
3. Pupunta ka lang kina Myla kapag kasama ako. (KASAMA)
3. Ang panlapi ay mga salitang ginagamit na magkadugtong sa salitang ugat.
Mga uri
1. Unlapi
Ito ay ginagamit sa unahan ng salitang ugat. Ang mga madalas ginagamit na mga unlapi ay ma-, ,mag-, na-, nag-, pag-, pala-, atbp.
Halimbawa
magtanim
mahusay
pagkabigat
makatao
nahulog
palabiro
2. Gitlapi
Ito ay ginagamit sa gitna ng salitang ugat. Ang mga madalas ginagamit na mga gitlapi ay -um-, at -in-
Halimbawa:
pinasok
pinalitan
gumagamit
tumakbo
sumayaw
3. Hulapi
Ito ay nasa huli ng salitang ugat. Ang karaniwang ginagamit na hulapi ay -an, -han, -in, -hin.
Halimbawa:
kaligayahan
palitan
basahin
pinagsabihan
sabihin
Pinahahalagahan namin ang bawat ambag mo. Huwag kalimutang bumalik at magtanong ng mga bagong bagay. Ang iyong kaalaman ay napakahalaga sa ating komunidad. Para sa mabilis at maasahang mga sagot, bisitahin ang IDNStudy.com. Nandito kami upang tumulong sa iyo.