Sumali sa IDNStudy.com at tuklasin ang komunidad ng mga taong handang tumulong. Magtanong at makatanggap ng eksaktong sagot mula sa aming mga bihasang miyembro ng komunidad.
Sagot :
Answer:
Himagsik laban sa Maling Kaugalian
Sa Florante at Laura ni Francisco Balagtas
Maraming halimbawa ng Maling gawain o kaugalian ang ipinakita ni Francisco sa kanyang obra na Florante at Laura. Katulad lamang ng pagtataksil sa kapwa, kaibigan, kapamilya at lalong lalo na sa sariling bayan.
Una, ang pagtataksil ni Adolfo kay Florante. Dahil sa ingit, galit, at sakim, maraming tao ang nananakit, nagtataksil at nagtatangkang pumatay dahil gusto rin nila na maranasan ang saya, karangalan, at puri na naranasan ng ibang tao. Dahil sa ingit ni Adolfo kay Florante nagawa niyang saktan, agawin ang minamahal ni Florante at tangka niya pa siyang papatayin. Noon hanggang ngayon maraming tao ang nagkakagulo at nagkakasakitan dahil sa ingit na kanilang itinatanim sa kanilang kalooban sa isa’t-isa.
Pagtataksil ni Sultan Ali-Adab sa sarili niyang anak na si Aladin. Dahil sa pansariling interest ng sultan, inagaw niya ang minamahal ng kanyang anak na si Flerida. Tunay nga na makapangyarihan ng pag-ibig na nakaya niyang sirain at pag-awayin kahit ang mag-aama.
Pagtataksil ni Adolfo sa sariling bayan. Dahil sa kagagawan ni Adolfo, nasira niya ang pag-iisip ng mga tao sa kaharian na nagdulot nang pag-aaklas ng mga tao laban sa hari. Napatay ang Hari at ang Duke sa utos ni Adolfo. Mahahalin tulad si Adolfo sa mga taksil na Pilipino na nakayang pagtaksilan ang sariling bayan dahil sa kapangyarihan.
Ang mga Maling Kaugalian ay dulot ng ingit, galit, at kasakiman na itinatanim ng mga tao sa kanilang puso at kalooban. At ang mga ito ay nagdudulot ng gulo at away sa pagitan ng nga tao. Kahit Anong mangyari ay dapat pinapairal pa rin natin ang kabutihan sa ating puso at kahit masama at hindi mabuti ang ibang tao sa iyo, kabutihan pa rin ang pairalin dahil palagi itong nananaig.
Explanation:
#doggiefam
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong lumikha ng isang masiglang komunidad ng pagkatuto. Bawat tanong ay may sagot sa IDNStudy.com. Salamat at sa muling pagkikita para sa mas maraming solusyon.