Pagkatapos ng interesanteng mga gawain tungkol sa araling ito, alam kong marami
kang napagtanto at natutuhan. Kung hindi ako nagkakamali, may mga nabuong ideya at plano.
Batid kong may reaksiyon kang nais mong sabihin at ibahagi Kaya bago magtapos ang
linggong ito, sumulat ka sa iyong talaarawan (diary) ng mga karanasan mo at saloobin tungkol
sa pakikilahok sa mga kampanya at programa sa pagpapatupad ng mga batas.