TESTI: Pagtutukoy. Susuriin mo ang mga dahilan, paraan at epekto ng kolonyalismo at imperyalismo ng mga Kanluranin sa unang yugto (ika-16 at ika-17 siglo) pagdating nila sa Silangan at Timog- Silangang Asya. Ihayag ang iyong kaalaman tungkol sa mga sumusunod na mga pangungusap (10 puntos)
_______1. Pagtatamo ng mga lupain upang matugunan ang layuning pangkomersiyal at panrelihiyon ng isang bansa.
_______2. Sapilitang panghihimasok ng mga makapangyarihang bansa sa ekonomiya, politikal, at buhay panlipunan ng mahihinang bansa.
_______3. Pagpapalitan ng mga opisyal ng lupaing pinamumunuan upang maiwasan ang maaaring pagtatalaga ng mga tagapanalig ng sinumang opisyal sa ilalim ng Dinastiyang Qing.
_______4. Pagluhod sa harap ng emperador at pagyukod na dumadaiti ang noo sa sahig nang siyan na ulit.
_______5. Samahan ng mga mangangalakal na Tsino na siyang nagtatalaga ng buwis.
_______6. Kalamangan ng halaga sa pagitan ng iniluluwas at iniaangkat na produkto ng isang bansa na maaaring pabor o di-pabor sa isang bansa sa dahilang ang iniluluwas ay nakahihigit sa iniaangkat na produkto nito.
_______7. Isang balong babae na nakamana ng titulo ng lupain o ari-arian mula sa kaniyang namamatay na asawa.
_______8. Uri ng pananalaping gamit sa China noong ika-19 na siglo.
________9. Makapangyarihang feudal lord ng Japan na nagmamay-ari ng malalaking sukat ng lupain
________10. Sistemang panlipunan kung saan ang pagpoprodyus at pamamahagi ng mga ani ay nasa kamay ng pamahalaan na siyang kumokontrol sa ekonomiya ng bansa.