Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa sitwasyong
pangkabuhayan kung saan nalalaman ang antas ng isang
bansa kung ito ay maunlad, papaunlad o mahirap?
A. Ekonomiya C. Impraestruktura
B. Politika D. Agrikultura
2. Si Pangulong Rodrigo Duterte ay binibigyang prayoridad ang
pagpapabuti at pagpapaunlad sa ekonomiyang panloob. Ano
pa ang kanyang ginagawa upang magkaroon ng karagdagang
seguridad pang-ekonomiya ang Pilipinas?
A. Nakikipag-ugnayan sa ibang bansa
B. Nakikipag-usap lamang sa ibang bansa
C. Nakikipagmabutihan sa mga karatig-bansa sa Asya
D. Nakikipagtulungan sa mga bansang kaanib lamang sa
ASEAN
3. Anong mga hakbang ang isinasagawa ng ating pamahalaan
upang magkaroon ng karagdagang seguridad pangekonomiya ang Pilipinas?
I. pagsasagawa ng mga programa upang makaakit ng
mamumuhunan
II. malinang ang panluwas na pamilihan
III. mapaunlad ang turismo,
IV. mapadali ang pagtanggap ng tulong mula sa ibang
bansa
A. I at II B. I, II at III
C. I, III at IV D. I, II, III at IV
2 CO_Q3_Araling Panlipunan4_Module7
4. Upang maging tiyak at maayos ang ekonomiya, masusing
isinaad sa Saligang Batas ang tatlong layunin sa
pagtataguyod ng pambansang ekonomiya. Ang mga ito ay
ang sumusunod MALIBAN sa isa:
A. Makatarungang pamamahagi ng kita, pagkakataon, at
kayamanan
B. Patuloy na paglaki ng produksiyon ng kalakal at
paglilingkod para sa taong bayan
C. Lumalawak na kasaganaan na susi sa pagtaas ng antas
ng pamumuhay ng tao lalo na ang mga kapus-palad.
D. Patuloy na pakikipagsapalaran magkapagtayo ng mga
industriya
5. Alin ang HINDI patakarang pang-ekonomiya ng pamahalaan
na nagsisilbing gabay sa pagtataguyod ng mga programang
pangkaunlaran ng bansa?
A. Pangangalaga sa mga manggagawa
B. Pangangalaga sa mga kalakal at industriyang lokal
C. Pagpapaunlad ng agrikultura, kagubatan, yamang tubig,
at yamang mineral
D. Pagsasaayos ng mga tulay at kalsada
6. Upang mapabilis ang kaunlaran ng ekonomiya at makalikha
ng maraming trabaho, lalo na sa mga lalawigan naglalaan ng
pondo ang pamahalaan para sa national roads, tulay; mga
paliparan, daungan, at mga parola; mga silid-aralan at iba
pa. Saan mabibilang ang mga nasabing proyekto ng
pamahalaan?
A. Pang-impraestruktura
B. Pampolitika
C. Pang-edukasyon
D. Pangkalikasan
7. Hirap ang mga tao sa lugar na malapit sa ilog tuwing
umuulan upang mamalengke lalo na kung maulan. Gustong
magpatayo ng tulay ng inyong kapitan. Anong ahensiya ng
pamahalaan ang makatutulong sa proyektong ito?
A. Kagawaran ng Edukasyon
B. Kagawaran ng Katarungan
C. Kagawaran ng Kalusugan
D. Kagawaran ng mga Pagawainat Lansangang Bayan
3 CO_Q3_Araling Panlipunan4_Module7
8. Sa Metro Manila at sa iba pang bahagi ng Pilipinas ay
nagpapatayo ng mga flyover. Anong programang pangimpraestruktura ang nagpapatupad nito at sa anong
layunin?
A. Kagawaran ng Edukasyon
B. Kagawaran ng Katarungan
C. Kagawaran ng Kalusugan
D. Kagawaran ng mga Pagawain at Lansangang Bayan
9. Ngayong panahon ng COVID-19 pandemic ay napakahalaga
ang pangasiwaan ng National Telecommunication
Commission (NTC) para sa paghahatid ng mga makabagong
teknolohiya at makapagpabilis sa komunikasyon ng mga tao.
Ano-ano ang kagamitang nakatutulong sa mabilis na
pakikipag-ugnayan ng mga tao?
A. telepono, jeepney, bus
B. radio, tricycle, motorsiklo
C. eroplano, helicopter, kotse
D. Cellphone, computer, internet, radyo at telebisyon
10. Ano ang kaugnayan ng maayos na impraestruktura sa pagunlad ng bansa?
A. Nakapagbibigay ito ng solusyon sa mga problema ng bansa
B. Nakatutulong sa pagpapaangat ng kalidad ng pamumuhay
ng mga Pilipino
C. Paraan ito upang maging malaya ang bansa na makipagugnayan
D. Nagiging dahilan ito ng pagtaas ng kita ng pamahalaan