Una, kailangang pakinggan at intindihing mabuti ang aral na ipinaparating ng isang parabula. Kung kailangang ulit-ulitin itong basahin o panoorin ay dapat ganoon ang gawin.
Ikalawa, kailangan ito ng pag-eensayo sa mismong buhay mo upang tumpak mo itong magagamit sa iyong personal na buhay.
Ikatlo, kailangan itong ikapit lalo na kung positibo ang dala nitong epekto sa iyo at sa ibang tao.
Ikaapat, ituro din sa iba ang mga aral at kwentong dala nito upang sila din naman ay makinabang kung ikakapit nila ang mga karunungan nito.