IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa malinaw at mabilis na mga sagot. Alamin ang mga detalyadong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming malawak na kaalaman sa mga eksperto.

Ano ang pagkakatulad ng gross national income at gross domestic product

Sagot :

Answer:

Pagkakatulad ng Gross National Income (GNI) at Gross Domestic Product (GDP)

Ang Gross National Income (GNI) at Gross Domestic Product (GDP) ay parehong sumusukat sa pambansang kita ng bansa, parehas din itong tumutukoy sa kabuuang pampamilihang halaga ng mga produkto at serbisyo ng bansa.

Gross National Income (GNI)

Ang Gross National Income (GNI) ay ang dating Gross National Product. Ito ay tumutukoy sa kabuuang pampamilihang halaga ng mga produkto at serbisyo na nagawa ng mamamayan sa isang bansa. Sinusukat gamit ang salapi sa bawat kwarter sa loob ng isang tao na ginagamit ang dolyar bilang pamantayan.

Gross Domestic Product (GDP)

Ang Gross Domestic Product (GDP) ay sumusukat naman sa pampamilihang halaga ng lahat ng tapos ng produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng isang takdang panahon. Kasama dito ang lahat ng mga salik na ginamit sa produksiyon upang mabuo ang produkto at serbisyo maging pagmamay-ari ng mga dayuhan o hindi na matatagpuan sa loob ng isang bansa.

Para sa karagdagan pang kaalaman tungkol sa Ekonomiks, magtungo sa link na: brainly.ph/question/302889  

#BetterWithBrainly