Muli siyang tumuntong sa India noong 1502. Nang lumaon, hinirang at pinamagatan siyang Admiral ng India ni Haring Manuel. Marami pang mga adbenturerong mga Portuges ang nagsipagtatag ng mga kolonya sa Timog-Kanlurang India, kung kaya't noong 1524, ipinadala si Da Gama sa India bilang biseroy o maharlikang gobernador. Sumakabilang buhay siya habang nasa India noong 1524.[