Ang salitang nasyonalismo ay mula sa salitang "nasyon."
isang katawagan sa samahan o pangkat ng mga taong may iisang mithiin at
layunin sa buhay at pinagbubuklod ng iisang lahi, wika, relihiyon,
kaugalian at tradisyon. Tumutukoy ang nasyonalismo sa isang damdaming
makabansa ng mga taong nagpapakita ng katapatan sa kanilang bayan, hindi
sa pangulo o sa ilang pinuno lamang. Sa paglinang ng nasyonalismo,
hindi lamang mahalaga ang lupang tirahan, pamahalaan, o namumuno higit
na binibigyang-diin dito ang pagkakaisa ng mga taong naniniwala na
kabilang sila sa iisang bansa at handang ipagtanggol at pangangalagaan
ito.