Panghalip, sa Ingles Pronoun, ito ay ginagamit na panghalili o pamalit sa pangngalan.
Panghalip na Patulad
-Ito ay isang uri ng panghalip na ginagamit sa paghahambing, pagkukumpara at pagtukoy ng bagay, salita o kaisipan.
Halimbawa:
Ganito (kung ang inihahambing ay malapit sa nagsasalita)
Ganito ang nabili kong kwaderno.
Ganyan(kung ang inihahambing ay malapit sa kausap)
Ganyan kalaki ang punong aking nakita.
Ganoon(kung ang inihahambing ay malayo sa naguusap)
Ganoon dapat kabilis ang ating pagtakbo.