IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng mga eksperto. Ang aming platform ng tanong at sagot ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

bakit sinasabing hindi lamang pang ekonomiya kundi pampolitika rin ang layunin ng merkantilismo?

Sagot :

Bakit sinasabing pampolitika rin ang layunin ng merkantilismo?

Hindi lamang pang-ekonomiya yung layunin ng merkantilismo kundi pampolitika rin.

Kasi, dahil sa merkantilismo, mas maraming pera ang malilikom nito bilang buwis. Kasi kapag madaming ginto at pilak ang makukuha ng isang bansa, mas madaming pera o buwis ang makukuha nito.

At ang buwis ay ang sumusuporta sa mga gastusin ng gobyerno o hari. Kaya ito ang nagbibigay-daan upang ang hari ay mapondohan ang kanyang hukbo, makapagpagawa ng mga barko, at magkaroon ng pamahalaang katatakutan at rerespetuhin ng buong sangkatauhan.

Kontrolado rin ng gobyerno o hari ang industriya at kalakalan na siyang nagpairal upang matamo ang kaunlaran ng bansa. Kaya masasabi natin na pampolitika rin ang merkantilismo kasi may naitutulong ito sa hari at politika sa pamamagitan ng buwis na makukuha, galing sa merkantilismo.

For more info:

Ano ang Merkantilismo?

https://brainly.ph/question/2096620

#AnswerForTrees

#BrainlyLearnAtHome

Pinahahalagahan namin ang bawat ambag mo. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang ating mga layunin. Ang IDNStudy.com ay nangako na sasagutin ang lahat ng iyong mga tanong. Salamat at bisitahin kami palagi.