Magtanong at makakuha ng eksaktong mga sagot sa IDNStudy.com. Tuklasin ang mga kumpletong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming komunidad ng mga eksperto.

anong pinag kaiba ng sawikain sa salawikain ?

Sagot :

Ang sawikain ay mga salitang patalinghagang karaniwang ginagamit sa araw-araw.ito ay nagbibigay ng di-tiyakang kahulugan ng salitang isinasaad nito. Halimbawa: itaga sa bato- tandaan. 
Ang salawikain ay isang tuntunin o kautusang kinilala at pinatibay ng karanasan.Ginagamit ito bilang sandata sa pangangatwiran. Halimbawa: Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
Ang sawikain ay isang karunungang - bayan na karaniwang ginagamitan ng idyoma o tayutay upang maging maganda ang paraan ng pamamahayag at upang hindi makasakit ng loob . Hindi ito karaniwang ginagamitan ng matatalinhagang salita . Samantalang ang Salawikain naman ay isa ring karunungang-bayan ngunit ito ay karaniwang ginagamitan ng mg patalinhagang salita na may nakatagong kahulugan . Ito ay karaniwang nasusulat ng may sukat at tugma .