Ang sukaban ay pananaw ng isang tao. Malaya siyang maglahad ng kanyang sariling palagay sa mga bagay-bagay. Maihahalintulad din ito sa pilosopiya ng isang tao, bawat tao may sari sariling pilosopiyang pinaniniwalaan.
Mayroon din akong sariling sukaban o pananaw, halimbawa na lamang ay ang pananaw ko sa buhay. Naniniwala ako na bago mo makamit ang isang bagay, kailangan mo itong lubos na paghirapan. Kadalasan malayo pa ito sa iyong inaasahan. Kaya mas pipiliin ko nalang tanggapin ang katotohanan ng buhay. Kaysa maniwala sa swerte, dapat ay magkaroon ng pananampalataya sa diyos.