Ang repormasyon ay bunga ng
tila hindi maitamang ugnayan ng estado at ng simbahan. Dahil dito, humina ang
kapangyarihan ng Santo Papa at nagkaroon ng krisis panrelihiyon na tinatawag na
repormasyon . Sa repormasyon, ibinaling
ng mga dating tapat na Katoliko ang kanilang paniniwala sa ibang sekta o
relihiyon. Ang Kontra-Repormasyon naman
ay isang malawakang kilusan ng mga tapat na Katoliko na naglalayong mapaunlad
ang relihiyong Katoliko.