Makakuha ng mabilis at malinaw na mga sagot sa IDNStudy.com. Ang aming mga eksperto ay nagbibigay ng mabilis at eksaktong sagot upang tulungan kang maunawaan at malutas ang anumang problema.

ano ang naiambag ni adam smith sa ekonomiya?

Sagot :

Ang naiambag ni Adam Smith sa Ekonomiya

  • Si Adam Smith ay kilala bilang ama ng makabagog  ekonomiya, nakatulong ng malaki ang kanyang mga ginawang aklat,upang makalikha ng makabagaong pang-akademyang desiplina ng ekonomika.at kilalang mga katuwiran sa malayang kalakalan,ang mga aklat na ito ay ang “The theory of moral Sentiments” o Ang teoriya ng Moral na mga Damdamin at ang aklat na “The Wealth of Nations” o Ang Yaman ng mga Bansa.  
  • Bukod sa kanyang dalawang naisulat si Adam Smith din ang nagpahayag ng doktrinang Laissez Faireo tinatawag ding “Let Alone Policy” na kung saan ang sinasaad nito ay  ang pamahalaan ay hindi nararapat na pakialaman ang mga tao sa pagpapaunlad ng mga industriya, kundi marapat na bigyan pansin nito ay ang panatilihin ang pagkakaroon ng tahimik,maayos at payapang bansa.
  • Siya rin ang nagpaliwanag na makabubuti daw ang pagkakaroon ng mga kompetisyon sa ating pamilihan sa pagitan ng mga mamimili at mga negosyante ito raw ay magdudulot ng kabutihan sa pangkabuoang kalagayan ng pamumuhay ng mga mamamayan.  
  • Ayon din sa kanya ay napapataas ang produksyon ng isang ekonomiya sa pamamagitan ng paghahati ng mga gawain o tinatawag ding espesyalisasyon.  
  • Tinuklas din ni Adam Smith ang sanhi ng pagyaman at paghihirap ng isang bansa. Ang bansa daw ay maaring yumaman kung mapaglalaanan lamang ito ng sapat na puhunan dahil kung paglalaanan ng sapat na puhunan  ay tumataas din ang produktibo ng paggawa.  

#BetterWithBrainly

Buksan ang link para sa karagdagang kaalaman tungkol kay Adam Smith.

https://brainly.ph/question/303329

https://brainly.ph/question/556623