Noong unang panahon, simple lamang pamumuhay, gawi at kilos ng mga tao sa Maynila.
Ang uri ng pamumuhay ng mga tao roon ay ang pagiging masipag at matiyaga. Wala silang pinipiling trabaho basta mataguyod lamang ang kanilang pamilya. Pangangalakal, pagsasaka at pangingisda ang kanilang pangunahing pamumuhay.
Sa larangan ng kilos at gawi, mabilis kumilos ang mga tao noon sapagkat para sa kanila, napakahalaga ng oras. Sa kabila ng simpleng pamumuhay,umiiral ang pagbabayanihan at pagkakaisa.