1) Denotasyon - literal na kahulugan ng salita. Ang kahulugan ay karaniwang nakikita sa diksyonaryo.
2) Konotasyon - ang malalim na kahulugan ng salita. Ito ang pansariling kahulugan sa salita ng isang tao o grupo ng mga tao na naaayon din sa panahon o henerasyon. Iba ang pagkakahulugan ng konotasyon sa karniwang kahulugan ng salita na nakikita sa diksyonaryo.
Halimbawa:
1) buwaya
Denotasyon - hayop
Konotasyon - politiko sa kongreso/congressman
2) kutsarang pilak
Denotasyon - kutsarang yari sa pilak (silver)
Konotasyon - mayaman
3) balat-sibuyas
Denotasyon: balat ng sibuyas
Konotasyon - sensitibo; madaling magtampo o masaktan ang damdamin