IDNStudy.com, ang iyong gabay para sa mga sagot ng eksperto. Sumali sa aming komunidad ng mga bihasa upang makahanap ng mga sagot na kailangan mo sa anumang paksa o problema.
Sagot :
Ang inflation ay ang pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa isang ekonomiya. Kapag tumataas ang presyo ng mga produkto, mas kaunti ang mabibili ng parehas na halaga ng pera.
Dahil sa pagbaba ng halaga ng pera dulot ng inflation, ang mga tao ay mas mahihikayat na gastusin agad ang pera nila kaysa itabi ito dahil mas kaunti ang mabibili nito sa isang taon, sa isang dekada, atbp.
Sa mataas na nibel ng inflation, maaring magkaroon ng pagkakapos ng mga produkto at serbisyo. Ang mga tayo ay nananamba sa kanilang pera kaya mag-iimpok sila ng mga produkto at hindi pera. Dahil sa pag-impok nila ng mga produkto, kokonti ang suplay ng mga produktong ito.
Dahil sa pagtaas ng inflation, maaring hindi makasabay ang sahod ng mga manggagawa. Maari itong magresulta ng mga protesta sa pagtaas ng sahod, o ang hindi pagtrabaho ng mga manggagawa bilang tugon sa taas ng presyo ng mga bilihin.
Iba iba rin ang antas ng pag-apekto ng inflation. May mga produkto na hindi ganoong kabilis ang pagtaas ng presyo kumpara sa iba. Maaring magbago ang pag-laan ng mga tao sa kanilang pera. Magreresulta ito sa pagkadismaya ng mga tao dahil binili nila ang produkto hindi dahil gusto nila, ngunit dahil sa takot na magtaas ito ng presyo agad.
correct me if I'm wrong and pa brainlies na den hehe thanks
Salamat sa iyong pakikilahok. Huwag kalimutang magtanong at magbahagi ng iyong kaalaman. Ang iyong ambag ay napakahalaga sa aming komunidad. Salamat sa pagbisita sa IDNStudy.com. Bumalik ka ulit para sa mga sagot sa iyong mga katanungan.