Tuklasin ang mundo ng kaalaman at mga sagot mula sa komunidad sa IDNStudy.com. Ang aming komunidad ay nagbibigay ng eksaktong sagot upang matulungan kang maunawaan at malutas ang anumang problema.
Sagot :
Answer:
ALAMAT -SI MANGITA AT SI LARINA, SA LAWA NG BAI
MARAMING taon na ang nakaraan mula nuong namahay sa mga pampang ng Laguna de Bai ang isang mahirap na mangingisda ( pescador, fisherman). Nabalo nang namatay ang asawang babae, siya na lamang ang tanging nagpalaki sa 2 nilang anak na babae, sina Mangita at Larina. Kapwa napaka-ganda ng 2 anak.
Si Mangita ay kayumangging kaligatan at ang buhok niya ay kulay ng hatinggabi (medianoche, midnight). Mapag-bigay siya at mahal ng lahat ng kakilala dahil mabait. Tinutulungan niya ang kanyang ama sa pagtahi sa mga lambat ( fishnets) at sa pagbigkis ng mga sulu (torches) - kapwa gamit sa pangingisda gabi-gabi. At araw-araw naman, ang matamis niyang ngiti (sonrisa, smile) ang siyang nagpapaliwanag sa munti nilang kubo (cabaña, hut).
Maputi naman si Larina at haling na haling siya sa manilaw-nilaw (dorado, golden) niyang buhok na pinatubo niyang mahabang mahaba. Kaiba siya sa kapatid, hindi tumutulong sa bahay at maghapon na lamang nagsusuklay. At malupit. Nanghuhuli siya ng mga paruparo (butterflies) na tinutusok niya hanggang mamatay at isinasabit na palamuti (decoration) sa buhok. Tapos, nagpupunta siya sa lawa upang masdan ang sarili sa tubig. Paminsan-minsan, nakikita niyang nangingisay pa ang paruparo at tuwang-tuwa siya sa galaw nito sa kanyang buhok.
Dahil dito, ayaw siya ng mga tao na lalong humanga at nagmahal sa kapatid niyang Mangita. Lalo namang nagselos at nainggit si Larisa kay Mangita.
Isang araw, isang pulubing matandang babae ang lumapit sa kanilang kubo at humingi ng kaunting kanin (arroz, rice) para sa kanyang maliit na mangkok (cuenco, bowl). Nagsusuklay ng buhok nuon si Larina sa pintuan, at nasuya sa pag-abala ng pulubi. Sinigawan niya at itinulak palayo. Natumba ang matandang babae at nabagok ang ulo sa bato.
Explanation:
hope help
#CARY ON LEARNING
Ang iyong aktibong pakikilahok ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbahagi ng iyong nalalaman. Sama-sama tayong lumikha ng isang masiglang komunidad ng pagkatuto. Ang IDNStudy.com ay laging nandito upang tumulong sa iyo. Bumalik ka palagi para sa mga sagot sa iyong mga katanungan.