Makakuha ng detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong gamit ang IDNStudy.com. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng mga maalam na sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.

20. Naging maunlad ang komunikasyon noong panahon ng mga Amerikano sa Pilipinas, Isa sa patunay nito ay ang pagpapakilala sa: A. Makabagong kasangkapan sa komunikasyon tulad ng telepono, radio, radiophone, at telegraph B. Pagpapatayo ng mga ospital C. Pagtuturo ng mga Thomasites D. Paglilinis ng mga kalye at kanal at iba pang pook pampubliko​

Sagot :

Answer:

A. Makabagong kasangkapan sa komunikasyon tulad ng telepono, radio, radiophone, at telegraph

SAGOT:

Naging maunlad ang komunikasyon noong panahon ng mga Amerikano sa Pilipinas, Isa sa patunay nito ay ang pagpapakilala sa A.) Makabagong kasangkapan sa komunikasyon tulad ng telepono, radio, radiophone, at telegraph.

Transportasyon at Komunikasyon

⟩⟩ Maraming tulay at mga kalsada ang ipinagawa.

⟩⟩ Binili sa British Company ang Manila-Dagupan Railway noong 1917 at ginawang Manila Railroad Company at ngayong Philippine National Railway.

⟩⟩ Itinayo ang MERALCO o Manila Electric Company pinalitan nila ang mga carruajes ng mga sasakyang de-kuryente o tranvia noong 1905.

⟩⟩ Dinala din nila ang mga sasakyang kotse, trak at motorsiklo.

⟩⟩ Pinaunlad nila ang mga sasakyang pantubig sa pamamagitan ng steam tugboat, fast motorboats at ocean liners.

⟩⟩ Ipinakilala nila ang mga sasakyang panghimpapawid. Ang unang eroplanong lumipad sa Maynila ay Carnival noong 1911.

⟩⟩ Itinatag noong 1930 ang PATCO o Philippine Aerial Taxi Company at INAEC o Iloilo-Negros Air Express noong 1933 bilang komersyal na eroplano.

⟩⟩ Dumating sa bansa ang China Clipper – unang Pan-American Airways na eroplano noong Nobyembre 29, 1935 matapos ang mahabang byahe nito mula California hanggang Maynila. Sa kasalukuyan kilala ito bilang Philippine Airlines ang unang airline sa Asya.

⟩⟩ Dinala ang unang serbisyo ng telepono noong 1905.

⟩⟩ Radiophone sa pagitan ng Maynila at lungsod sa ibang bansa noong 1933.

⟩⟩ Special mail delivery, registered mail, telegrams at money orders.