Gawain sa Pagkatuto 1
Panuto: Isaayos ayon sa pagkakasunod-sunod ang
Limang Katangian ng Mataas na
Pagpapahalaga.Lagyan ng numero na 1-5 .
_____ Mataas ang antas ng pagpapahalaga kung
ito ay lumilikha ng iba pang mga pagpapahalaga
_____ Mas mahirap mabawasan ang kalidad ng
pagpapahalaga kung napapanatili nito ang kalidad
sa kabila ng pagpapasalin-salin nito sa
napakaraming henerasyon, (indivisibility).
_____ Mas tumatagal ang mas mataas na
pagpapahalaga kung ihahambing sa mababang
mga pagpapahalaga.
_____ Ang isang pagpapahalaga ay nasa mataas
na antas kung hindi ito nakabatay sa organismong
nakararamdam nito.
_____ May likas na kaugnayan ang antas ng
pagpapahalaga at ang lalim ng kasiyahang
nadarama sa pagkamit nito.