Sagot :

Pagpapahalaga at Birtud

Pagpapahalaga ay nagmula sa valore na nangangahulugang pagiging malakas o matatag at pagiging makabuluhan o pagkakaroon ng saysay o kabuluhan. Birtud ay galing sa virtus na nangangahulugang pagiging tao, pagiging matatag, at pagiging malakas. Kapwa nagbibigay katuturan sa tunay na pagkatao. Magkaugnay ito. Ang birtud ay ang mabuting kilos na ginagawa upang maisakatuparan ang pinahahalagahan.

Mga Uri ng Pagpapahalaga:ganap na pagpapahalagang moralpagpapahalagang kultural na panggawi

Ang ganap na papapahalagang moral ay nagmumula sa labas ng tao. Pangkalahatang katotohanan na tinatanggap ng tao bilang mabuti at mahalaga. Mga prinsipyong etikal na pinagsisikapan ng tao makamit at mailapat sa pang araw - araw na buhay.

Mga Halimbawa:

pag - ibigpaggalang sa dignidad ng taopagmamahal sa katotohanankatarungankapayapaanpaggalang sa anumang pag - aaripagbubuklod ng pamilyapaggalang sa buhay, kalayaan, paggawa, at iba pa

Ang pagpapahalagang kultural na panggawi ay mga pagpapahalagang nagmula sa loob ng tao. Maaaring pansariling pananaw ng tao o kolektibong paniniwala ng isang pangkat kultural.

Mga Halimbawa:

pansariling pananawopinyonugalidamdamin

Mga Uri ng Birtud:intelektuwalmoral

Ang intelektuwal na birtud ay may kinalaman saisip ng tao.Tinatawag na gawi ng kaalaman.

Mga Uri ng Intelektuwal na Birtud:

pag - unawaaghamkarununganmaingat na paghuhusgasining

Ang moral na birtud ay may kinalaman sa pag - uugali ng tao. Mga gawi na nagtuturo sa tao na iaayon ang ugali sa tamang katuwiran.

Mga Uri ng Moral na Birtud:

1.katarungan

2.pagtitimpi

3.kaatatagan

4.maingat na paghuhusga