Kung may Sipag at Tiyaga may Biyaya
Ang sipag at tiyaga ay mga katangiang malaki ang nagagawa sa
pagtatagumpay ng isang tao sa anomang gawain. Ulila na si Raul. Silang
mag-ama ang laging magkasama. Malaki ang paghanga ni Raul sa kaniyang
ama. “Pinakamagaling gumawa ng mga yari sa bronse ang aking ama,” ang
palaging sinasabi ni Raul sa kaniyang mga kaibigan. Totoo ngang maganda
ang ginagawang mga kagamitan ng ama ni Raul. Kilala siya sa San Miguel
lungsod ng Maraviles sa paggawa ng palamuting bronse. “Tatay, ibig ko na pong matuto ng paggawa ng mga iyon,” ang wika ni
Raul. “Mahirap po bang matutuhan ang pag-ukit?”
“Kailangan ang tiyaga at sipag, anak,” ang sagot ng ama. Buhat noon ay tinuruan ng ama ang anak. Sa simula ay nahirapan si
Raul.
Isagawa
Tayahin
City of Good Character 6
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
“Tatay sana maging katulad mo ako,” ang sabi ni Raul nang ipakita
niya ang ginawa niyang tasa isang araw. “Kaya mo anak at gagaling ka,” ang sagot ng ama. “Ngunit sadyang
tiyaga ang kailangan. Araw-araw ay dapat na gumawa ka rito.” Nagpatuloy si Raul sa pag-aaral at pagsasanay. Patuloy siya sa
panonood sa ama sa paggawa. Kung minsan ay parang ibig na niyang
huminto sa pag-aaral. “Sige anak, huwag kang tumigil sa kagagawa. Itong
tasang ginawa mo ngayon ay higit na maganda kaysa ginawa mo kahapon. At dumating ang dakilang araw para kay Raul. Nagkaroon ng
paligsahan sa Paaralang Elementarya ng San Miguel sa pinakamagandang
yari ng banga. Limang libong piso ang premyo. Maraming mag-aaral ang
sumali. Isa na rito si Raul. Alam mo ba kung sinong nanalo? Tama! Si Raul nga. Anong saya
nilang mag-ama! “Magandang simula ito anak,” wika ng ama. “Alam kong mahihigitan mo pa ako sa darating na araw. Dahil sa
iyong sipag at tiyaga ay marami ka pang mapapanalunang paligsahan. Kaya
mo ito,anak.
Mga tanong:
1. Ano-ano ang mga salitang hudyat sa pagbibigay ng
argumento ang ginamit sa akda?
2. Magtala ng 3-5 argumento na makikita sa akda. 3. Sang-ayon ka ba sa mga argumentong inilahad sa akda?
Bakit?