Makakuha ng detalyadong mga sagot sa lahat ng iyong tanong sa IDNStudy.com. Makakuha ng impormasyon mula sa aming mga eksperto, na nagbibigay ng maaasahang sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

IV. Basahin ang sumusunod at ibigay ang maaaring mangyari gamit ang iyong dating karanasan/kalaman. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.

17. Napasigaw nang malakas si Angel nang makita niyang nabundol ng kotse ang alaga niyang pusa.
A. Hinimatay siya sa sobrang galit.
B. Nagsumbong siya sa kanyang nanay.
C. Tumakbo siya sa kaniyang pusa at inalam ang lagay nito.
D. Nagtago siya sa kalungkutan.

______18. Hitik sa bunga ang punong sampalok ni Aling Lina kaya palaging namamasyal doon ang magkakaibigang sina Ever, Beth at
Malou.
A. nagselfie sila sa ilalim ng punong sampalok.
B. naghabulan ang magkakaibigan.
C. Ipinagluto nila ng hapunan si Aling Lina.
D. Humingi ng bunga ang magkakaibigan upang ipasalubong sa kanilang mga pamilya.

______19. Nagwawalis ng bakuran si Aling Rita nang biglang kumidlat nang malakas.
A. Tumakbo siya papasok ng bahay sa pagkabigla.
B. Nagtawanan sila ng mga kapitbahay.
C. Ipinagpatuloy ni Aling Rita ang pagwawalis.
D. Naglinis na lang siya ng bahay .

______20. Tutok na tutok sa panonood ng balita ang mag-anak na Gonzaga nang biglang namatay ang TV at ang ilaw.
A. Natulog na lang ang mag-anak.
B. Namasyal na lamang sila sa plasa.
C. Nagsigawan ang lahat at nanghinayang.
D. Namalengke na lang ang Nanay.