Dahil sa paghina ng kapangyarihan ng Santo Papa bunsod ng tunggalian sa kapangyarihan, pamumuno at pagpapahayag ng mga batas, napako ang atensyon ng tao sa panahon ng Renaissance. Sila ay namulat sa ibang pagbabago dahilan ng pagka watak-watak ng dating solid na bansa na may relihiyong Katolisismo. Batid ng mga tao ang malaking pagbabago sa kani-kanilang buhay at nag-iwan ito ng tatak sa kasaysayan ng kaunlaran.