Isulat ang PR kung ang lipon ng mga salita ay parirala at PN kung ito ay pangungusap. Kung ang lipon ng mga salita ay pangungusap, isulat ito nang wasto sa patlang.
1. ang mababait na mag-aaral
2. nang dumating ang umaga
3. nag-aral nang mabuti si Yeng
4. nasabik ang mga bata sa paglalaro
5. kumuha ng isang bungkos ng kangkong
6. kami ang nag handa ng meryenda
7. si Lando ay luluwas sa Maynila bukas
8. bilang Overseas Filipino Worker sa Dubai
9. sumayaw kami ng pandanggo sa ilaw
10. ang mga libro ay maayos niyang pinagpatong sa mesa