Sumali sa IDNStudy.com at tuklasin ang komunidad ng mga taong handang tumulong. Alamin ang mga maaasahang sagot sa iyong mga tanong mula sa aming malawak na kaalaman sa mga eksperto.

Pagsulat ng Sanaysay!
Gumawa ng sanayaay rungkol sa Digmaang Pandaigdig, pwede gamitin Ang larawan nilang inspirasyon​

Pagsulat Ng SanaysayGumawa Ng Sanayaay Rungkol Sa Digmaang Pandaigdig Pwede Gamitin Ang Larawan Nilang Inspirasyon class=

Sagot :

Answer:

Ang Unang Digmaang Pandaigdig o Unang Pandaigdigang Digmaan ay isang malawakang digmaang pandaigdig na naganap noong mga taong 1914 hanggang 1918. Sangkot sa digmaan ang mga nangungunang bansa ng mundo na noo'y nabibilang sa dalawang magkalabang alyansa: ang Alyadong Puwersa at Puwersang Sentral. Mahigit sa 70 milyong sundalo ang lumahok sa digmaang ito na pumatay ng tinatayang 9 milyong katao bunga ng mabilisang pag-unlad ng teknolohiya sa pakikibaka. Sa pangkalahatan, ang Unang Digmaang Pandaigdig ang ikaanim na pinakamapinsalang digmaan sa kasaysayan.

Ang pagpatay noong 28 Hunyo 1914 kay Artsiduke Franz Fernando, tagapagmana ng trono ng Austria-Unggarya, ng isang nasyonalistang Serbiyan ang pinakamalapit ng sanhi ng pagsisimula ng digmaan. Ang naturang pangyayari'y nagtulak sa Austria-Unggarya na magbanta sa Kaharian ng Serbiya na siya namang nagbunsod sa mga alyansang namamagitan sa mga bansa sa Europa na makibaka sa isa't isa. Sa mga sumunod na linggo'y nasuong na sa digmaan ang mga nangungunang bansa sa Europa, kasama ng kani-kanilang mga kolonya, at ang tunggalia'y kagyat na lumaganap sa buong mundo.[5][6]

Nagsimula ang digmaan noong 28 Hulyo nang salakayin ng Austria-Unggarya angSerbiya. Sinundan ito ng pananakop ng Alemanya sa Belhika, Luksemburgo at Pransiyaat ng pananalakay ng Sandatahang Ruso sa Alemanya. Matapos mapipilan ang pag-abante ng Sandatahang Aleman patungong Paris, halos hindi na gumalaw ang linya ng mga bambang ng Bunsurang Kanluran hanggang 1917 samantalang sa Silangan ay matagumpay na nalabanan ng Sandatahang Ruso ang Sandatahang Austro-Unggaryo ngunit napaatras bunga ng pananalakay ng Sandatahang Aleman. Ilan pang bunsuran ang nagbukas matapos sumama sa digmaan ang Imperyong Otomano noong 1914,Kaharian ng Bulgarya't Italya noong 1915 at Rumanya pagsapit ng 1916. Bumagsak naman ang Imperyong Ruso noong 1917, at lumabas ang Rusya sa digmaan matapos ang Himagsikang Oktubre noong taon ding iyon. Matapos ang isang opensibang Aleman sa Bunsurang Kanluran noong 1918, pumasok ang Estados Unidos sa digmaan sa panig ng Alyadong Puwersa na naglunsad ng mga matatagumpay na opensiba laban sa Sandatahang Aleman. Pagsapit ng 11 Nobyembre ng taong iyon ay sumuko ang Alemanya, gayon din ang kanyang mga kaalyado.

Sa pagtatapos ng digmaan ay apat ng kapangyarihang imperyal ang nalusaw: ang mgaImperyong Aleman, Ruso, Austro-Unggaryo at Otomano. Ganap na nagwakas ang huling dalawang imperyong nabanggit at umusbong naman muli sa labi ng Imperyong Ruso angUnyong Sobyet, samantalang lumitaw naman sa Silangang Europa ang ilang mga bagong bansa. Nabuo ang Liga ng mga Bansa sa pag-asang mapipipilan nito ang anumang tunggaliang maaaring maganap sa mundo. Ang kinahinatnan ng digmaan, gaya ng mga probisyong itinadhana ng Tratado ng Versailles, ang mga nakalulunos na ibinunga ng Dakilang Kapanglawan, ang nasyonalismo sa Europa, at ang muling paglakas ng Alemanya ang siyang naging dahilan upang muling sumiklab ang isa pangpandaigdigang digmaan pagsapit nang 1939.