Ang polo y servicio ay ang sapilitang paggawa ng walang kabayaran na ipinapalagay na paghahandog sa hari ng Espanya at sa Simbahang Katoliko. Sa sistemang ito, ang lahat ng kalalakihan 16–60 taong gulang ay sapilitang pinaggagawa ng mabibigat na trabaho para sa mga gawaing bayan tulad ng kalsada, simbahan, tulay, paaralan, mga gusaling pampamahalaan at mga pampublikong gusali. Sa katunayan,ang itinadhana ng sistemang polo ng hari ay bayaran ang mga manggagawa;ang mga malulusog at malalakas lamang ang magtatrabaho,at hindi sila malalayo sa kanilang pamilya. Subalit, sa pagmamalabis ng mga tagapangasiwa, wala sa mga alituntuning ito ang nasunod, kung kaya ito ay nagdulot ng labis na kahirapan sa mamamayan.