31. Batid ni Tricia ang maaaring maging epekto ng hindi pagsusuot ng face mask at face shield tuwing lalabas lalo ngayon na may pandemic. Alam din niyang maaari siyang mahawa at makahawa ng Covid-19 sa simpleng di pagsunod sa health protocols. Anong birtud ang taglay ni Tricia? *
a. Sining
b. Agham
c. Pagtitimpi
d. Pag-unawa
32. Sa gitna ng pandemya at kahirapan na dulot nito sa pamilya ni Lucas, pinipili pa rin niya na maging positibo sa buhay. Kahit salat sa pera at kagamitan ay nagpatala pa rin siya para sa pasukan at nagsusumikap na makadalo sa online class. Anong birtud ang ipinakikita ni Lucas? *
a. Agham
b. Katatagan
c. Katarungan
d.Pag-unawa
33. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI TOTOO tungkol sa halaga (values)? *
a. Ito ay nagmula sa salitang Latin na habere.
b. Ito ay nababago depende sa tao, sa lugar at sa panahon.
c. Ito ay nangangahulugang pagiging matatag o malakas at pagiging makabuluhan.
d. Ito ay hindi lamang kinagawiang kilos kundi kilos na pinagpasyahang gawin ayon sa tamang katuwiran.
34. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi naglalahad ng pagkakaugnay ng birtud at pagpapahalaga? *
a. Ang birtud ay ang mabuting kilos na ginagawa ng tao upang isakatuparan ang pinahahalagahan.
b. Ang birtud ang moral na gawi na nagbubunga sa pagkamit at pagpapanatili ng pagpapahalaga.
c. Ang birtud ang pinag-isipang paraan o hakbang upang makamit ang mga pagpapahalaga.
d. Ang birtud ay pagpapasyang gawin ang tama, na may tamang katuwiran at sa tamang pamamaraan.
35. Ito ang moral na birtud na gumagamit ng kilos-loob upang ibigay sa tao ang nararapat para sa kanya: sino man o ano man ang kanyang katayuan sa lipunan? *
a. karunungan
b. katarungan
c. katatagan
d. kalayaan