Sumali sa komunidad ng IDNStudy.com at simulang makuha ang mga sagot na kailangan mo. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto na may kaalaman.

Panuto: Basahin at unawain ang dagli.Pagkatapos ay ibigay ang aral na mapupulot mula sa teksto Bigyang pansin ang pagbuo ng salita, talata at pangungusap sa iyong kasagutan.

HAHAMAKIN ANG LAHAT ni Abdon Balde Jr.

*Kung kaya mong magbreakdance sa JS", sabi ni Cherry. May halong biro. Para na rin niyang sinabing "Pagputi ng uwak". Ngunit hindi ganoon ang dating kay Dindo.Sinuway ni Dindo ang bilin ng magulang. Inilihim niya sa mga kaibigan ang balak. Nagpalakas siya. Kinausap si Sam. Nagsanay si Dindo. Hindi alintana ang sakit at hirap."Puwede ka na," sabi ni Sam pagkaraan ng isang buwan Isang linggo bago mag JS Prom, nilapitan ni Dindo si Cherry na nagmemeryenda sa canteen."Para sa'yo, handa na ako", sabi ni Dindo. "Oh shocks!" sagot ni Cherry,nakangisi, "Serious ka? Kami na ni Joko, noh ? "Malungkot na tumatilis si Dindo, iika-ika, hila ang paa Malupit ang pag-ibig



Aral mula sa teksto:​

Sagot :

Answer:

•Hahamakin Ang Lahat•

=Batay sa paksa=

-Ang paksa ay tungkol sa pag-ibig.

=Batay sa Layon=

-Layunin nitong ipaintindi at ipadama sa atin kung gaano ka lupit ang pag-ibig, kahirap, at kasakit. Katulad ng nangyari kay Dindo.

=Batay sa tono=

-Ang tono ay puno ng kalungkutan, at hinanakit.

=Batay sa pagkakasulat=

-Ang pagkakasulat sa kuwento ay may bahid ng katotohanan dahil ito'y karaniwang nagyayari na sa tong buhay. Ang maging sawi sa pag-ibig at mawalan ng pag-asa.

=Batay sa salitang ginamit=

-Ang mga salitang ginamit ay madamdamin at puno ng pighati.