Makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong mula sa komunidad ng IDNStudy.com. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto na may kaalaman.

Si Mang Boy
(Nilda T. Gordevilla)
Isang mahusay na karpentero ng mga upuan si Mang Boy. Ito ang kaniyang pinagkakakitaan para sa ikabubuhay ng kaniyang pamilya at sa pag-aaral ng kaniyang limang anak. Sa bawat oras na ginugugol niya sa paggawa ng upuan para ibenta, lagi niyang pinagbubuti ang kaniyang paggawa. Tinitiyak din ni Mang Boy na sang-ayon sa mga pamantayan sa paggawa at mataas ang kalidad ng kaniyang produkto upang lalo itong magustuhan ng mamimili. Ayon sa kaniya, ano man ang iyong ginagawa, dapat na tiyaking sumusunod ito sa mga
pamantayan ng de-kalidad na gawa,mahusay ang pagkakagawa at
maipagmamalaki. sa kaniya Marami ang nagpapagawa dahil maliban sa mahusay siyang gumawa, tinatapos niya ito sa takdang oras. Nakilala si Mang Boy sa mga katangiang ito. Isang araw, lubos ang kaniyang pagpapasalamat na ang Alkalde ng Lungsod ay bumisita sa kanilang tahanan upang magpagawa sa kaniya ng isang libong upuan na ipamimigay sa iba't ibang paaralan. Tuwang-tuwa si Mang Boy. Nagbunga ang lahat ng kaniyang pagsisikap at katapatan sa paggawa. Ang malaking proyektong ito ang nagbukas ng mas marami pang pagkakataon para mapaunlad ang kaniyang negosyo.

Ngayon ay tanyag na ang mga upuan ni Mang Boy na kilala sa brand na "Tatag". Dahil sa kaniyang kasipagan, umunlad ang buong pamayanan. Sa paglaki ng kaniyang negosyo ay marami siyang nabigyan ng hanap-buhay sa kanilang pamayanan. Naitaguyod at napagtapos niya sa pag-aaral ang lahat ng kaniyang mga anak. Tunay ngang may hatid na tagumpay ang dedikasyon, tiyaga, at katapatan. Anoman ang iyong ginagawa, isipin mong ito ay salamin ng iyong dangal o pagkatao. Hindi mo kailangang ipamanhik o ipakilala ang iyong produkto. Ang kalidad nito ay siyang mangungusap sa mga bumili nito.
Kaya kung tayo ay inatasan na gumawa ng isang proyekto o maglingkod, gawin natin ito nang buong puso. Pagbuhusan natin ito ng talino at panahon. Disiplinahin natin ang ating sarili upang matapos ito sa takdang panahon. Kapag sinunod natin ito, tiyak na mainam at mahusay ang ating magagawa.
May kagalingan ang pagkakayari ng isang produkto o gawain kapag ito ay bunga ng pagmamahal at ginawa nang buong husay.
Suriin at tukuyin ang mga paraang nagpapakita ng etiko sa paggawa sa pamamagitan ng pagsunod sa pamantayan at kalidad ng gawain.

tanong:
1. ano Ang pamagat ng kwento?
2. Ano-ano ang mga pamantayan ni Mang Boy na maari niyang maipagmalaki sa paggawa ng upuan?
3. Bakit naging matagumpay at de-kalidad ang produktong upuan ni Mang Bay?
4. Ipagpalagay mo na ikaw si Mang Boy, dapat mo bang tularan ang kaniyang ginawa? Bakit?
5. Sa pagbibigay ng anomang serbisyo o paglilingkod, ano-ano ang mga dapat gawin o ipakita para matiyak na mataas ang kalidad nito at maipagmamalaki?

paki sagot Po tnx
rereport nalang Po pag di ayos yung sagot ​​

Sagot :

Answer:

This is a real and correct answer :>

HOPE IT HELPS AND DONT FORGET TO MARK ME AS BRAINLEST<3 WC

View image Michchan10