"Nawawalang Anak"
May dalawang anak ang mag-asawang Guaza. Gusto ng panganay na kunin ang kaniyang kayamanan. Binigay ng ama kahit tutol ang kaniyang maybahay. Pagbigay ng pera, umalis ang panganay na anak. Pumunta siya sa malayong lugar kung saan nilustay niya ang pera para sa mga barkada. Hanggang napansin niya na ubos na ang lahat na ibinigay ng kanyang magulang. Pumunta siya sa kanyang mga barkada para humingi ng pagkain pero hindi siya binigyan. Hanggang ang lcaning aso kinakain niya dahil gutom na gutom na siya. Habang kurnakain siya naalala niya ang kaniyang magulang. Naisipan niya na umuwi sa kanilang bahay. Labis na natuwa ang kaniyang magulang na umuwi siya sa kanilang bahay. Pinaghandaan, binihisan at tinanggap siya nang buong -buo ng kaniyang pamilya. Humingi siya ng tawad at tinanggap ng kaniyang pamilya. Kaya mula noon, masaya na silang nagsama-sama.
Mula sa binasa, pumili ng pangyayari na maaring maganap sa tunay na buhay sa kasalukuyan____________________________________________