Sagot :

Answer:

Ipinagkaloob ng Estados Unidos ang soberanya ng Pilipinas

estado

Binubuo ng mga mamamayang nagkakaisa at permanenteng naninirahan sa isang tiyak na teritoryo.

mamamayan

Pinakamahalagang elemento ng isang estado kung saan ang mga tao ang namamahala at nagsasagawa ng mga gawain sa estado.

teritoryo

Tumutukoy sa lupaing nasasakupan ng isang estado na siyang pinaninirahan at pinagkukunan ng kabuhayan ng mga mamamayan.

pamahalaan

Ang siyang nagpapatupad ng mga batas at mga kautusan sa isang estado at namamahala sa seguridad ng kanyang nasasakupang mamamayan at teritoryo.

soberanya

Ang pinakamataas na kapangyarihan ng isang grupo o komunidad na pamahalaan ang mga mamamayan at lahat ng sakop ng isang teritoryo.

bansa

Isang komunidad ng mga taong mayroong iisa o pare-parehong lahi, kasaysayan, wika, kultura, at pamahalaan.

Hunyo 12, 1898

Idineklara ni Emilio Aguinaldo sa Kawit, Cavite ang kalayaan ng Pilipinas.

panloob na soberanya

Tumutukoy sa kapangyarihang nananaig sa lahat ng sakop ng teritoryo ng isang estado.

panlabas na soberanya

Ang kapangyarihan ng isang estado na hindi na nito kayang kontrolin, maaaring pumasok sa eksena ang isa pang estado upang tumulong sa pagkontrol.

United Nations (UN)

Binubuo ng humigit-kumulang 100 soberanong estado

Karapatang Makapagsarili

Sa karapatang ito, malaya ang isang estado mula sa mga panghihimasok ng ibang bansa.

Karapatan sa Pantay na Pagkilala

Lahat ng bansa - maliit man o malaki, ano man ang paniniwala, ideolohiya, at sistemang panlipunan ---- ay magkakatulad ng karapatan at tungkulin.

Karapatang Mamahala

Pananagutan ng isang estado ang pangalagaan ang buong teritoryo nito, pati na rin ang pagpapairal ng mga batas sa kanyang nasasakupan.

Karapatang Mang-angkin ng Ari-arian

Ang mga ari-arian ay hindi maaaring gamitin ng ibang bansa nang walang pahintulot ng estadong nagmamay-ari nito.

Karapatan sa Pakikipag-ugnayan sa Ibang Bansa

Ito ang karapatang magpadala ng diplomatikong kinatawan at magtatag ng embahada o konsulado upang magkaroon ng mabuting ugnayan sa pagitan ng dalawang bansa.

Karapatang Ipagtanggol ang Kalayaan

Tungkulin ng pamahalaan at sambayanang Pilipino na pangalagaan ang kalayaan ng bansa

Explanation: