Ang palaisipan ay nasa anyong tuluyan. Layunin nito na pukawin at pasiglahin ang kaisipan ng mga taong nagkakatipon-tipon sa isang lugar. Ito ay paboritong pampalipas oras ng ating mga ninuno. Ito ay nangangahulugan lamang na ang mga sinaunang Pilipino ay sanay mag-isip at kanilang ipinamana ito sa kanilang mga inapo.
Halimbawa:
sa isang kulungan ay may limang baboy si Mang Juan.
Lumundag ang isa. Ilan ang natira?
(sagot: Lima parin kasi lumundag lang naman ang baboy at hindi umalis)