IDNStudy.com, ang perpektong platform para magtanong at makakuha ng maaasahang mga sagot. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at maaasahang mga sagot, anuman ang kahirapan ng iyong mga katanungan.

ano ang kahulugan ng asignaturang filipino

Sagot :

KAHULUGAN NG ASIGNATURANG FILIPINO

• Ang asignaturang Pilipino ay ang mga pinag-aaralan sa paaralan na ginagamitan ng linguwaheng Pilipino. Pinag-aaralan dito ang mga kahalagahan ng wikang Pilipino, tamang gramatika ng pagsulat ng wikang Pilipino, mga kuwento at iba pang akademikong papel na ginagamitan ng Filipino.

• Ang asignaturang Pilipino ay isa sa tinuturo sa pampublikong paaralan pati na din sa mga pribadong paaralan upang mapanatili ang pagiging makabansa ng mga kabataang Pilipino.

ANO ANG KAHALAGAHAN NG ASIGNATURANG FILIPINO?

1. Upang hindi malawa ang wikang Filipino

• Sadyang nakakalungkot kung mawala ang wikang Filipino at mangibabaw ang wika ng mga banyaga kaya naman upang mapanatili ang pagkamakabansa ay inirekomenda ng pamahalaan na isama ang mga Subjecy na Filipino sa curriculum ng pag-aaral.

2. Upang mapa-yaman pa ang wikang Filipino

• Kung maituturo  sa paaralan ng maayos ang paggamit ng wikang Filipino ay masasalin ito ng maayos sa susunod na henerasyon at nang sa gayun ay mas lalo pang mapapayaman ang wikang Filipino. Kapag napapayaman ang wika ay magagamit ito ng tao ng maayos at para hindi siya maituturing na banyaga sa saril niyang bansa.

3. Upang maipakita natin ang respeto at pagmamahal natin sa ating kultura at wikang kinagisnan.

• Ang wika ay parte ng kasaysayan ng mga Pilipino, kaya naman hindi dapat ito mawala ng tuluyan.

Ano ang kahalagahan ng asignaturang Filipino

brainly.ph/question/527015

brainly.ph/question/708791

brainly.ph/question/2499417