Ang MANUNGGUL JAR - ito ay ginagamit sa pangalawang libing na kung saan ang mga buto or kalansay lang ng namayapa ang ilalagay sa loob nito. Meron itong madetalyeng disenyo na naglalaman ng scrolls or mga kasulatan at mga kurva (curves) sa ibabaw ng takip at pininturahan ng hematite (isang uri ng mineral na nagbibigay ng kulay pulang kulay kapag nadarang sa init. Ang pinakamapupuna mo sa lahat ay ang takip nito na nagpapakita ng dalawang kaluluwa na naglalakbay sa kabilang buhay or kabilang mundo na nasa death boat.