IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa mga sagot ng eksperto. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at maaasahang mga sagot, anuman ang kahirapan ng iyong mga katanungan.

ano ang kahulugan ng karagatan at duplo

Sagot :

Ano ang kahulugan ng karagatan at duplo?

Ang karagatan at duplo ay isa sa mga itinuring anyo ng panitikan. Ito ay tinatawag na tulang padula sapagkat ang mga ito ay nasususlat nang patula at ginagampanan ng mga tauhan. Ang karagatan at duplo ay tinatawag din dulang pantahanan sapagkat  karaniwang idinaraos sa loob ng bahay o bakuran ng namatay. Ang karagatan ay isa sa uri ng ating panitikan kabilang siya sa dulang panlibangan na ginagawa ng mga Pilipino noong panahon ng mga Kastila, ang karagatan ay batay sa alamat ng isang dalaga na nahulog ang singsing  sa dagat batay sa hangaring makapili ng mapapangasawa. Ang duplo ay isa rin sa ating panitikan sinasabing ito naman ang pumalit o humalili sa karagatan, paligsahan sa husay sa pagbigkas ng pangangatuwiran na patula.

Mga katangian ng karagatan.

  • Ito ay isang tulang ginagamit ang talas ng pagiisip sapagkat ito ay larong paligsahan sa pagtula.
  • Ang mga lalake sa larong ito ay tinatawag na duplero samantalang ang mga babae naman ay duplera.
  • At kapag naglalaro na ay tinatawag silang bilyako at bilyaka.
  • Ang tsinelas o palmatorya naman ang ginagamit ng hari na pamalo sa palad ng natalo bilang parusa.
  • Maari ring parusa sa natalo ang pagpapabigkas ng mahabang dasal para sa kaluluwa ng isang namatay.
  • Ang paksa sa larong ito ay patungkol sa nawawalang loro ng isang hari o di naman kaya ay magsusumbong ang isang bilyako sapagkat siya ay hinamak ng isang bilyaka.
  • Ito rin ay ginaganap sa bakuran ng isang tahanan at dinaluhan ng mga tauhan.
  • Ito rin ay nagpapatalas ng kaispan dahil ang pagmamatuwid ay daglian.

Mga uri ng duplo

  1. Binayabas
  2. Historia – Vino
  3. Alo-Humano
  4. Historia-mano
  5. Talinghaga
  6. Ley/lai

para sa karagdagang kaalaman tungkol sa kahulugan ng karagatan at duplo magtungo sa mga links sa ibaba:

https://brainly.ph/question/157227

https://brainly.ph/question/18364

https://brainly.ph/question/207485