Ang Kenya ay pinangalanan mula sa bundok na Mt.
Kenya, ang pangalawang pinakamataas na bundok sa bansa ng Aprika. Ang mga
Kikuyu na naninirahan sa palibot ng bundok ay tinatawag ding Kirinyaga o
kerenyaga na nangangahulugang “kaputian” dahil sa niyebeng bundok.
Ang Kikuyu walang natatanging nakasulat na wika ; samakatuwid, ang karamihan sa impormasyon sa kanilang mga tradisyunal na kultura ay nakukuha mula sa kanilang mayamang tradisyong pambibig. Ang pambibig na literatura ng Kikuyu ay kinabibilangan ng mga orihinal na tula, kwento, pabula, mito, bugtong, at sawikain na may mga pinsipyo ng kanilang pilosopiya, sistema ng hustisya at lagdang moral na nakalakip.