Ilan sa mga salik na nakakatulong sa paglakas ng hari ay ang kanyang yaman, impluwensiya at karunungan. Ang yaman ay ginagamit niya upang matugunan ang pangangailangan ng kanyang nasasakupan. Ang impluwensiya naman tulad ng suporta ng kanyang mga ministro na bumubuo sa apat na haligi ng kanyang pamahalaan ay napakalaking tulong upang maisakatuparan ang kanyang batas na ipinatutupad. Ang karunungan naman ay malaki ding pakinabang para makapag isip ng mabisa at matalinong solusyon sa mga maaring suliranin ng kanyang buong kaharian.