Answered

Suriin ang malawak na saklaw ng mga paksa sa IDNStudy.com. Tuklasin ang malalim na sagot sa iyong mga tanong mula sa aming komunidad ng mga bihasang propesyonal.

ano ang ibig sabihin ng gross national income

Sagot :

Ang Gross National Income ay ang kabuuang kinita ng mga tao at mga negosyo sa isang bansya. Ito ay sukat ng yaman ng isang bansa. Ginagamit din ito upang baybayin kung gaano na kaunlad ang isang bansa sa pagdaan ng mga taon. Kasama sa gross national income ang gross domestic product at maging ang kita nito mula sa ibang bansa (gaya ng remittance galing sa abroad). Sinasabing mas makatotohanan ang gross national income na sukatan ng yaman ng isang bansa.

Ano ang nasa GNI?

Kasama sa GNI ang mga kita ng tao at negosyo, kita sa mga investment at foreign direct investment o FDI. Kasama din dito ang mga tulong pang ekonomiya na binibigay ng ibang mga bansa. Dati ang GDP ang ginagamit na sukatan ngunit dahil ito ay tumutukoy lamang sa kabuuang produkto at serbisyo hindi ito masasabing magandang sukatan sa tunay na lagay ng ekonomiya ng isang bansa. Mas gusto din ng World Bank na gamitin ng mga bansa ang GNI kaysa sa GNP.

GDP at GNI

Sa ibang mga bansa wala halos pagkakaiba ang GNI at GDP ngunit sa bansang kagaya ng Pilipinas malaki ang pagkakaiba ng mga ito. Noong 2017 ang ating GNI ay 1.053 trillion PPP dollars samantalang ang ating GDP ay 313 billion dollars lamang. Dahil ito sa karamihan sa ating income ay galing sa mga call center at mga remittance ng ibang bansa. samantala, sa Estados Unidos, halos pareho lamang ang kanilang GNI (19.61 trillion PPP dollars) at GDP (19.39 trillion USD). Malaki din ang tinatanggap natin na mga economic aid mula sa ibang mga bansa.

 

Paano magiging GNI ang GDP?

Para mas mapaghiwalay ang GNI sa GDP kailangan maintidihan ang tatlong bagay na saklaw ng GNI:

  • kita mula sa ibang bansa na binabayad sa mga taga Pilipinas (karamiahn call center, freelancers)
  • kita mula sa ibang bansa na binabayad sa mga may ari ng lupa at mga investors
  • net tax na binawasan ng subsidies sa mga import at produksyon  

Para sa Dagdag kaalaman:

Mga Hindi Nakakasama sa GNI at GDP: https://brainly.ph/question/479474

GDP at GNP: https://brainly.ph/question/1966800

Bansang Mababa ang GDP: https://brainly.ph/question/198904

Keywords:   gnp, gdp, gdp at gnp, gdp tagalog, gnp tagalog